Martes, Mayo 17, 2016

MGA URI NG AYTEM SA PAGSUSULIT


Mga Uri ng Aytem sa Pagsusulit
©                   Mga Simulaing Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Pagsusulit
Inihanda ni: Bb. Shiela Q. Ramos

MGA URI NG AYTEM SA PAGSUSULIT
1. MULTIPLE CHOICE TEST
q  stem o bahagi ng aytem na nagpapahayag  ng suliranin
q   opsyon o pamimiliang sagot

Ang stem ay maaaring:
1.       Pangungusap na hindi natapos
                Sa kwentong nabasa, nagitla si Nena sapagkat
                A. nakakitan siya ng anino sa harapan niya.
                B. may humalbot sa kanyang dalang bag.
                C. nakarinig siya ng sigaw ng mga tao.
                D. may naalaala siyang nakakatakot
2.       Pangungusap na may patlang:
                “_______ nawala ang mga aklat?” “Sa aklatan”
                A. Kailan                                                               C. Bakit
                B. Saan                                                                 D. Paano
3.       Buong pangungusap:
                Itinaon nila ang pasinaya ng bagong tindahan sa kaarawan ng kanilang ina.
                A. itinapat                                                           C. ginawa
                B. isinama                                                            D. binalak
4.       Pangungusap na nagtatanong
                Ano ang kahulugan ng nagtataingang kawali?
                A. nagtutulug – tulugan C. nagbibingi-bingihan
                B. nagpapatawa                                                D. nagpapaloko

2. PAGSUSULIT NA TAMA O MALI

       Binubuo ng isang pangungusap na pasalaysay na pagpapasiyahan ng mag – aaral na sasagot kung ito ay tama o mali, totoo o hindi.
       Mayroong makabago na maaari ring sagutin ng sang-ayon o hindi, at kung hindi sang-ayon ay dapat baguhin ang salita o panungusap upang maging tama o sang-ayon sa paniwala ng sumasagot.
       Ang ganitong uri ng pagsusulit ay isa sa pinakamahirap ihanda sapagkat ito ay nangangailangan ng lubos o ganap at walang pasubaling katotohanan o kamalian ng sinasabi ng pangungusap.



3. PAGSUSULIT NA PAGPUPUNO SA PATLANG O COMPLETION TYPE

       Ang pagsusulit na obhetibo na ang sagot ay ibinibigay ng mga bata sa halip na pinipili ang tamang sagot.
       Halimbawa:
                Punan ang patlang sa pagsulat ng wastong anyo ng pandiwang nasa panaklong.
                Maganda ang sineng _______ (panood) namin kahapon.

4. PAGSUSULIT SA PAGTUKOY NG MALI O ERROR RECOGNITION TEST

       Isang uri ng pagsusulit na integratibo sapagkat sinusubok nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika.
1.       Hinahati ang pangungusap sa apat na bahagi. Ang bawat bahagi ay nakasalungguhit at may nakasulat na titik sa ibaba.
                Maagang  nagising  si Pedro  at umigib  sila ng tubig.
                        A              B                                  C               D
2.       Nilalagyan ng guhit ang pagitan ng mga bahagi ng pinaghatiang pangungusap.
                    Tuwing dumalaw sila / sa amin / ay may dalang pasalubong / para sa Nanay /.
                             A                        B                                      C                                       D
3.        Mga piling salita o parirala lamang ang sinasalungguhitan.
                  Napagkayarian  nila  na hindi na pumupunta sa Baguio sa  darating na tag-init.
                             A                 B                                C                                           D
4.       Ang mali sa pangungusap ay maaaring siang salita o bahagi ng salita ay nawala.
                    Maaga dumating ang mga bata sa unang araw ng pasukan.
                        A                               B                     C                            D
5.       Maaari ring magsama ng mga pangungusap na walang mali.
              Nagbabasa  si Noel subalit naglalakbay ang kanyang isip.
                         A                         B             C                        D
                 
5. ANG PAGSUSULIT CLOZE

       Ito ay isang tekstong  kinaltasan ng mga salita. Nilalagyan ng puwang na magkakasinghaba ang lugar na pinagkaltasan ng salita.
       Ito ay sumusukat sa pangkalahatang kasanayan sa wika.
        Sinusukat din nito ang kaalamang linggwistika, ang kaalaman sa kaugnayan ng salitang kinaltas sa talata at sa buong teksto at an kalawakan ng kaalaman ng sumasagot ng cloze.

Mga uri ng cloze
1.       BASIC CLOZE
a.       Basic fixed-ratio deletion cloze
Ano ba ang pagbasa? Ang pagbasa ay   1   paraan ng pag – uugnay o komunikasyon       2      manunulat at mambabasa. Ipinakikita sa       3      ang ginawa ng mambabasa sa      4    nakasulat na pananda upang ito’y     5     . Ang proseso ng pagbasa ay     6     sa pagkilala sa salita at nagpapatuloy hanggang mabuo ang kaalaman at magamit ito batay sa layunin ng mambabasa.
 
 







  b.  Selected-deletion cloze – pinipili ang mga salitang kakaltasin.
    
Halimbawa, sa talata sa itaas, maaaring kaltasin ang mga pandiwa lamang, o ang mga pangngalan lamang.

2. MODIFIED CLOZE
Ø   Katulad din ng basic cloze sa uri ng teksto at sa pagkakaltas ng salita pero dito ay may pinagpipiliang salita ang mag – aaral.
Ø  Isa lamang ang sagot at madali ang pagwawasto nito ngunit mahirap mag – isip ng mga distraktor para rito.
Ø   Halimbawa:

Ano ba ang pagbasa? Ang pagbasa ay   1   paraan ng pag – uugnay o komunikasyon       2      manunulat at mambabasa. Ipinakikita sa       3      ang ginawa ng mambabasa sa      4    nakasulat na pananda upang ito’y     5     .

Pagpipiliang sagot:

       1. A. isang                          2. A. ni                       3. A. atin
           B. mga                               B. sa                          B. lahat
           C. ilang                              C. ng                          C. guro
           D. ang                                D. kay                        D. mag - aaral

 
      

3. ORAL CLOZE
               
Ø  Ito ay katulad din ng cloze sa paghahanda ng teksto at sa pagkakaltas ng mga salita. Ang pagkakaiba ay nasa pagbibigay nito sa mag – aaral.
Ø  Ganito ang pagbibigay ng oral cloze:
1.       Ang teksto ay unang binabasa nang walang kinaltas na salita. Sa ikalawang pagbasa ng guro,       
kinaltas na ang ilang mga salita.
2.       Sasagutin ng mga mag-aaral nang pasalita ang bawat  puwang.
3.        Ang mga sagot ay tineteyp at binibigyan ng iskor      pagkatapos na maibigay ang buong pagsusulit.   Maaaring bilanging wasto ang mga salitang kinaltas o iyong     mga salitang kasing-kahulugan ng salitang  kinaltas.
6. PAGSUSULIT NA PADIKTA

Ø  Sumusukat sa mga kasanayan sa pakikinig, sa pagsulat, at sa pagkaunawa ng wika.
Ø  Sa standard dictation, ang buong teksto ay idinidikta ng guro sa pamamagitan ng pagbasa nito. maaaring ang teksto ay nasa type. Tatlong beses babasahin ang teksto.
Ø  Sa unang pagbasa, sa normal na bilis, makikinig lamang ang mga ma-aaral.
Ø  Sa ikalawang pagbasa, isusulat nila ang bawat pariralag idinidikta.
Ø  Sa ikatlong pagbasa, makikinig at isusulat ng mga mag-aaral ang mga salitang hindi nila nakuha sa ikalawang pagbasa.
Ø  Noong pre-scientific stage, ang pagsusulit na padikta ay ginamit upang sukatin ang kakayahan sa paggamit ng bantas at sa wastong pagbaybay lamang.
Ø  Sa communicative stage, ang pagsusulit na padikta ay ginamit upang sukatin ang pangkalahatang kakayahan ng mag-aaral sa wika. Ang mga bantas ay maaaring idinidikta rin sapagkat hindi naman ito ang kasanayang sinusukat ng pagsusulit.
Ø  Sa pagmamarka sa dictation na ito, apat na uri ng mali ang isinaalang – alang: ang pagdagdag ng salita, ang pagkaltas ng salita, ang pagpalit ng salita, at ang pagbabago ng ayos ng mga salita sa pangungusap.
Ø  Sa bagong nilinang na pagsusulit na padikta, ang teksto ay hinahati sa ilang bahagi.
Ø  Ang UNANG BAHAGI O SEGMENT ay binubuo ng dalawa o tatlong salita. Padagdag nang padagdag ang dami ng salita, hanggang sa ang huling bahagi ay maaaring buuin ng labinlima o higit ang salita.
Ø  Ang layunin ng pagsusulit na ito ay upang sukatin ang pangkalahatang kakayahan sa wika. Kung naisulat ng mag-aaral ang buong teksto, nangangahulugang nauunawaan niya ang kanyang narinig at magaling siya sa wikang iyon.
Ø  Sa pagmamarka nito, bawat bahaging tama ang lahat na nakapaloob na salita ay binibigyan ng isang puntos.

7. PAGSUSULIT - C

Ø  Isang uri ng cloze test na binubuo ng ilang maikling teksto.
Ø  Sa bawat teksto, ang unang pangungusap ay iniiwang buo. Simula sa ikalawang pangungusap, ang kalahati ng ikalawang salita ay kinakaltas. Kung ang salita ay binubuo ng apat na titik, halimbawa sino, si lamang ang maiiwan at lalagyan ng puwang ang pinagkaltasan ng dalawang titik (si  ____ ). Kung binubuo ng pitong titik ang salita, halimbawa, maganda, mag lamang ang maiiwang bahagi ( mag ____ ).
Ø  Sa pagsusulit – C, isa lamang ang maaring tamang sagot sa bawat bilang.

   Halimbawa:

Panuto: Ang bawat isa sa sumusunod na mga talata ay may mga salitang kinaltasan ng ilang mga titik. Basahin ang talata at buuin ang mga salitang may mga kinaltas na titik ayon sa diwa ng talata. Isulat sa inyong sagutang papel ang buong talata bago simulan ang pagsagot.
                                 
              Ang paghalik ng kamay sa magulang ay isang pagpapakilala ng kabutihang-asal ng mga anak at pagpapakilala sa kapangyarihan ng kanilang ama at ina. Pinatatamis ni  l  1   ang pag-ii   2     at pagkak   3    sa kanng kani  5   mga mag   6   . Sa bend     7     ng m    8    ma-gulang a    9      lumalasap si     10     ng mag    11     biyayang  idinu     12      ng Mayk     13     . Ang tung  14   ng  m 15   anak s  16   mga magu 17     at n 18   mga magu_19_  sa m  20   anak ay hindi lamang isang karangalan kundi kabanalan pa rin.
MGA SIMULAING DAPAT ISAALANG – ALANG 
SA PAGBUO NG PAGSUSULIT

  1. Iwasan ang paraang nagbibigay ng pagkakataong manghula ang mga estudyante. Ang mga uring Tama-Mali, Oo-Hindi at iba pang dadalawa lamang ang pagpipiliang sagot ay nakakaakit sa mga estudyante subalit nagdudulot ng kinalabasang di naman mapapaniwalaan.
  2. Gawing maliwanag ang mga panuto sa bawat uri ng pagsusulit nang sa gayo’y msukat di-lamang ang kanilang kaalaman kundi pati na ang kakayahang umunawa at gumamit ng kaalamang natutuhan.
3.       Sikaping maghanda ng susi sa pagwawasto bago ibigay ang pagsusulit.
Ito’y isang paraan upang lalong makatitiyak sa kawastuhan ng sagot sa bawat tanong.
Habang inihahanda ng guro ang gabay sa pagwawasto, may pagkakataon siyang makita ang mumunting kamalian, o mga bagay-bagay na maaaring makalito sa mga estudyante.
  1. Gawing tiyak at malinaw ang sagot sa bawat tanong. Karaniwan nang ang ganitong kasagutan ay bunga ng mga obhektinong tanong.

  1.  Bumuo ng mga tanong na ang antas ng kahirapan ay naaangkop sa kakayahan ng nakararami.
Kapag lubhang mahirap ang tanong at ni isa’y walang makasagot masasabing hindi balido ang pagsubok sapagkat hindi sumusukat sa dapat sukatin nito.
Kailangang may sapat itong kahirapan upang maipamalas ng mahihinang estudyante ang kanilang natutuhan at maipakita rin naman ng mahuhusay ang kanilang kakayahan.

  1.  Gawing tiyak at malinaw ang paglalahad ng bawat tanong.
Ang kaisipang napapaloob ay kailangang maliwanag na mailalahad upang maunawaa  ng mga estudyante ang hinihingi ng bawat tanong.

  1.  Ituon ang tanong na mahalagang bagay na dapat matanim sa isipan ng mga estudyante at hindi roon sa walang kabuluhan na kung di man masaklaw ng pagsusulit ay hindi rin magiging kawalan para sa mga estudyante.

























Huwebes, Setyembre 29, 2011

Ang Buhay Ko....



Ang buhay ay ang importanteng bagay na natanggap ko. Ang buhay ang pinakamahalagang natatanging sa akin, na hindi ko maaaring ipagpalit sa kung anu-ano. Ang buhay ay isang biyaya aking natamo sa natatanging tagapaglikhang pinaniniwalaan ko.

Ang buhay ang dahilan bakit ako ay malalim kung mag-isip. Ang pagiging buhay ay nagbibigay-inspirasyon sa akin sa kung ano man ang aking gagawin.

Kahit ang buhay ko ay puno ng paghihirap at hindi iyon dahilan sa aking biglaang pagsuko, dahil alam kong darating ang araw na iko'y babangon sa 'king pinagbagsakan. At muling tatayo sa haharap ng kasayahan.

Ang buhay ng ko ay walang humpay na paglalakbay at paghahanap sa magandang tibok ng puso. Patuloy na maghahanap hanggang sa makita ang hinahanap.

Ang buhay ng tao ay sumasabay sa pag-ikot ng mundo.

Sinusunod ang puso......

upang hanapin ang kaligayahan at abutin ang mithiin ko sa buhay....

  Na Maging Matagumpay na Guro.....

Lunes, Setyembre 26, 2011

TULA...



SABIK

Buong buhay na hinintay
Huling saglit ng isang buhay
Sandaling mawawalan ng paningin
Hiningay mawawalan ng hangin.

Hindi man hinahangad ng sinuman
Subalit itoy sasapitin
Ano o kahit sino ka man
Hantungan na walang katapusan
Lugar na maliwanag…
Walang lumbay…
Puros kasiyahan.

Ito ang isang paraiso
Tanawin para sa ikalawang buhay ng tao
Hindi mo man naisin
Subalit higit na gugustuhin ko
Malayo lamang sa makasalanang paligid
Na ginagalawan ko
Akoy sabik na
Sa mas matahimik na mundo!

Miyerkules, Setyembre 21, 2011

TRADISYUNAL AT ALTERNATIBONG PAGTUTURO NG MAIKLING KWENTO SA IKALAWANG TAON NG POOC NATIONAL HIGH SCHOOL, TALISAY CITY, CEBU


KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO
INTRODUKSYON

Rasyonale ng Pag-aaral

            Ang mga mag-aaral sa panahon noon at ngayon ay may malaki na pagkakaiba. Bunga ito sa kaibahan ng mga dulog at estratehiyang ginagamit ng guro sa pagtuturo. Kadalasan, marami sa ating mga mag-aaral ay may kanya-kanyang pang-unawa sa bawat ipinapakitang dulog ng guro.
            Kung noong una, sagad tayo sa kaalaman ng teknolohiya, ngayon ay hindi na. Malaking tulong sa mga mag-aaral ang alternatibong pagtuturo sapagkat napapadali nito ang pangkaalaman at pang-unawa ng mga mag—aaral.
            Modernong pagtuturo at teknolohikal na pagbabago sa ika – 21 siglo ang pokus ng kumpetisyon sa mga paaralan ngayon, Hidalgo (2000). Ang modernong pagtuturo ay ganap na malaman ang mga pakinabang sa mga mag-aaral at guro. Mas pinalawak nito ang mga konsepto sapagkat mas nakikita ng mga mag-aaral ang nais ipahiwatig ng tiyak na paksa.
            Ngunit di rin maiiwasan na patuloy pa ring ginagamit ang tradisyunal na pagtuturo sapagkat ito ang ating kinagisnan at kinalakihan. Dito tayo unang natuto ng mga pangunahing konsepto patungo sa mga malalaking paksa at kaalaman. Tradisyonal man ang gamit sa pagtuturo ngunit may marami rin tayong natutunan at naintindihan.
            Ayon kay Novak (1998), ang tradisyunal na pagtuturo ay nakapukos sa guro bilang taga-konrol sa kapaligiran ng mga mag-aaral.” Sa ganitong pagtuturo, nasa guro ang responsibilidad at sa kanya ang paraan at mga estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sa kanyang mag-aaral.
            Sa ganitong uri ng pagtuturo, ang guro ang siyang tinaguriang controller sa silid-aralan. Dahil sa ganitong sitwasyon, hindi maiiwasan na ang tinatagong galing ng mag-aaral sa iba’t ibang kakayahan ay hindi mahahasa at malilinang. Nagkakaroon rin ng problema sa mga impormasyong inilalahad ng guro. Dahil kadalasan ay nakabatay sa mga sinaunang nakalimbag na aklat. Sa makatuwid ang nagaganap sa pagtuturong ito ay ang tinatawag nilang “spoon-feeding of knowledge”. Hindi napapalawak ng guro ang kanyang karaniwang paksa dahil sa nakabase lang siya sa tradisyunal na paraan.
            Ang alternatibong pagtuturo ay tinatawag ding makabagong pamamaraan sa pagtuturo sa paaralan. Sinasaklaw nito ang iba’t ibang dulog at stratehiya na ginagamit sa pagtuturo-pagkatuto sa mga mag-aaral. Ito ay nag-uugat mula sa iba’t ibang pilosopiya na nagtataglay ng pangunahing kaisipan na naiiba sa traditional na pamamaraan. Kadalasa’y nagkaroon ng mga kaisipang politikal, pilosopikal at akademikong kasanayan. Ito ay may malaking impluwensiya sa malawakang pagkatuto ng isang mag-aaral.
            Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa kakayahan ng mga mag-aaral na kung saan sila mas umaangat. Sa paggamit ba ng tradisyunal na pagtuturo o gamit ang alternatibong pagtuturo. Gamit ang maikling kwento na “Paalam sa Pagkabata”, na isinalin ni Nazareno D. Bas mula sa “Panamilit sa Kanantanon” ni Santiago Pepito, tutuklasin namin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa Pooc National High School.

Sanligang Teoretikal

            Lipas na ang panahon na ang gamit ng guro sa pagtuturo ay mga teksbuk. Ngayon ang simula ng mga gurong magtuturo gamit ng kaalaman ng mga mag-aaral sa daigdig na kanilang ginagalawan. Bilang guro, sila ay nahaharap sa panibagong dimensyon ng pagtuturo. Isang karaniwang kaalaman na ang guro ay dapat na isaisip ang kaibahan ng bawat mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay hindi na mababansagan bilang mabagal, mahina o mabilis matuto. Sila ngayon ang bagong hybrid mula sa makabagong daigdig na napatibay sa pamamagitan ng marami at iba't ibang kaparaanang pampagkatuto Laus (2002).
            Ang guro ayon kay Kornhaber (2004), na isinasakatuparan ang Mutiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner sa pagtuturo ay makatutulong sa mga mag-aaral na magpahalaga at magtamo ng mga kaparaanan para sa pagpapahayag sa kanilang saloobin, kuro-kuro at damdamin at higit sa lahat, pagkakaroon ng kasiyahan sa pag-aaral. Kaya nga sinabi ni Walter Mc Kenzie na “Sa sandaling simulan ang Multiple Intelligence sa pagtuturo, masisimulan ng guro na bumuo ng isang pangako na maging tapat sa kanyang sarili, maging bukas sa maraming posibilidad at maging mga instrumento ng pagbabago. Iminungkahi ni Dr. Gardner ang isang pluralistikong pananaw na kumikilala sa iba't ibang kakayahang kognitibo at magkakaibang istilo nito. Ang ganitong pananaw sa katalinuhan ay nagpapahayag na ang isang mag-aaral ay mayroong iba't ibang set ng katalinuhang maaaring magbunga ng matatalinong gawain. Nakikita ito sa paraan ng paglutas ng mga suliranin, at paglikha ng iba't ibang produkto sa iba't ibang sitwasyon at larangan ng buhay Tenedero (1998). Lubhang napakahalaga ng Multiple Inteligences sa paraan ng tradisyunal na pagtuturo sapagkat ito ang kasangkapan upang matulungan ang mga mag-aaral na damhin ang paksa, galugarin ang  kabuuan nito at ipakita ang kanilang mga nalalaman at nabuong kaalaman mula sa paksang pinag-aralan.
            Malaki ang epekto ng tradisyunal at alternatibong pagtuturo sa iba't ibang kakayahang tinatamo ng mag-aaral. Dito nasusubok ng guro kung saang estratehiya mas tataas ang lebel ng pag-unawa at pagkatuto ng mag-aaral. Dito nasusubok ang kalakasan ng dalawang estratehiyang kadalasang ginagamit ng guro. Sa pag-alam ng bawat kakayahan ng mag-aaral, naisaalang -alang ng guro kung anong dulog ang kanyang gagamitin.
            Ayon kay Vygotsky (1987) mula sa aklat nina Mayos, Norma S. et. al (2008) “Ang Guro sa Bagong Milenyo”, ang mga mag-aaral na handa sa mga hamon ng edukasyon ay lumalaking nagagamit ang kanyang mga kakayahan, handang tanggapin ng mga mag-aaral ang hamon kung sila ay nakaramdam ng paggalang at pagpapahalaga sa kanilang mga kakayahan.
            Sa paggamit ng tradiyunal at alternatibong pagtuturo, may matutuhan ang mga mag-aaral kapag mabigyang pansin at tuon ang kakayahang kanilang  taglay. Kapag nabigyang tuon ang kakayahan ng mag-aaral, matatamo ang ekspektasyon ng guro sa bawat mag-aaral. Makakamtan din ng buong klase ang ekspektasyon para sa araw na iyon at mapagtagumpayan ang pagkatuto ng mag-aaral.
            Sa pagpayo ni Villanueva (1968) mula sa inilimbag na aklat nina Mayos, Norma S. et. al (2008). “Ang Guro sa Bagong Milenyo”, sa mga guro ng Filipino, kailangang pag-iba-ibahin ng guro ang kanyang pamamaraan at estratehiya sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Dagdag pa sa lumabas na pag-aaral ni Cayogo (1982) mula sa aklat nina Mayos, Norma S. et. al (2008) “ Ang Guro sa Bagong Milenyo”, na ang paggamit ng iba't ibang pamamaraan   sa pagtuturo ay siyang kinagigiliwan ng mga mag-aaral. Ito ang paggamit ng alternatibong pagtuturo sa karaniwang paksa. Pinatunayan ito ng resulta ng pag-aaral ni Anosan (1998) na kinagigiliwan ng mga mag-aaral ang gurong gumagamit ng iba't ibang pamamaraan sa pagtuturo sapagkat nabubuhay nito ang kanilang atensyon at interes. Lalo na ang paggamit ng telebisyon at ibang teknolohiya sa loob ng klase dahil napupukaw ang interes ng mga mag-aaral at may mataas na lebel ng pagkatuto.
            Sa pagtuturo, higit na mahalaga para sa guro ang mapukaw niya ang atensyon at interes ng kanyang mag-aaral. Kailangan lamang niyang gamitin ang kanyang mabisang paraan sa pagpili ng angkop na estratehiya para sa kanyang mag-aaral.
            Gamit ng tradisyunal na pagtuturo, mas natuturuan ng guro ang kanyang mga mag-aaral sa tamang pag-uugali. Mas nananaig sa pagtuturong tradisyunal ang kahalagahan ng pag-uugali ng mag-aaral. Pagkat sa ganitong pagtuturo, mas napalawak ang komunikatibong kakayahan ng mag-aaral.
            Ayon sa teoryang National – Functional Syllabus ni David Wilkins Higas at Clifford (1992)  mula sa aklat ni Badayos (1999), upang matamo ang kakayahang komunikatibo, kailangang pantay na isinaalang-alang  ang pagtatalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian ng wikang ginamit ng teksto. Ito ay lalong nalilinang sa tradisyunal na pagtuturo.
            Ngunit sa teorya ni Jean Piaget na Constructivism Learning Theory, Kneller (1998) di  siya sumasang-ayon sa paraang tradisyunal. Nakita niya na bilang isang mag-aaral ay kailangang malinang ang kanilang kognitibong aspeto at ibigay ang ebidensyang ito mula sa alternatibong pagtuturo gamit ang siyensya at iba’t ibang panteknolohiyang kagamitan.
            Napapaloob sa makabagong siyensya ang mga kaalaman at karanasang di-mabibigay ng tradisyunal na pagtuturo. Mas nakakalamang ang alternatibong pagtuturo sapagkat ang nilalaman nito ay makatotohanan at ang mga mag-aaral ay mas nakakaugnay sa realidad na pangyayari. Di man sinabi na ang tradisyunal na pagtuturo ay di mahalaga, ngunit mas nananaig sa mga mag-aaral ang pagiging bukas sa kamalayan na bahagi na ng buhay ng mag-aaral ang alternatibong pagtuturo sa kanilang pagkatuto. Kumbaga sa aklat, ang tradisyunal na pamamaraan ang unang rebisyon samantalang ang alternatibong pamamaraan ang siyang pinakabagong rebisyon sa proseso ng pagkatuto ng mag-aaral.
            Bilang pangkalahatan, anumang paraan ang ginamit ng guro, ang mahalaga ay ang istilo ng pagkatuto ng mag-aaral na siyang tumutukoy sa kaparaanan na mas higit gusto ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Dahil sila ang nagkaroon ng pagkatuto sa anumang mabisang estratehiya na ginagamit ng guro Badayos (2008).

ANG SULIRANIN

Paglalahad ng Suliranin
            Ang pangunahing layunin sa pag-aaral na ito ay ang paghahambing gamit ng tradisyonal at alternatibong pagtuturo ng Maikling Kwento sa Pooc National High School.
            Tiniyak sa pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod:
1.      Ano ang nakuhang marka sa pre-test ng mga mag-aaral batay sa:
1.1  tradisyunal na pagtuturo;
1.2  alternatibong na pagtuturo?
2.      2. Ano ang nakuhang marka sa post test ng mga mag-aaral batay sa:
2.1  tradisyunal na pagtuturo;
2.2  alternatibong na pagtuturo?
3.      Ano ang mean gain na marka ng mga mag-aaral na nailantad sa:
3.1  tradisyunal na pagtuturo;
3.2  alternatibong pagtuturo?
4.      May kaibahan ba ang nakuhang marka ng mga mag-aaral sa pre-test at post test batay sa:
4.1  tradisyunal na pagtuturo;
4.2  alternatibong pagtuturo?
5.      May kaibahan ba ang mean gain na marka ng mga mag-aaral sa pagitan ng tradisyunal at alternatibong pagtuturo?

Ipotesis:
May kaibahan ang nakuhang marka ng mga mag-aaral sa pre-test at post test batay sa tradisyunal at alternatibong pagtuturo
May kaibahan ang mean gain na marka ng mga mag-aaral sa pagitan ng tradisyunal at alternatibong pagtuturo.

Kahalagahan ng Pag-aaral
            Makapagdudulot ng pakinabang at kahalagahan ang kalalabasan ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod:
            Mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang magkaroon sila ng kaalaman ukol sa kaibahan ng tradisyonal at alternatibong pagtuturo sa mga aralin.
            Mga Guro. Ang pananaliksik na ito ay hahamon sa mga guro na makita ang kahinaan at kalakasan ng mag-aaral sa tradisyonal at alternatibong pagtuturo. At para mabatid kung anong uri ng pagtuturo ang gagamitin.
            Mga Administrador. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong bilang batayan ng mga administrator ng mga paaralan kung anong uri ng pagtuturo ang magaganap sa bawat silid.
            DEPED. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nakapagpapabatid sa mga opisyales ng DepEd kung alin sa dalawang pamamaraan ang mas epektibong nagpapaunlad sa kakayahan at kasanayan ng bawat ma-aaral at para matugunan ang pangangailangan ng paaralan sa pagpapaangat ng kanilang mithiing pang-edukasyon.  
            Sentro ng Wikang Filipino. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nagsisilbing gabay upang malaman ang kahinaan ng mga mag-aaral sa bawat paraan ng pagtuturong ginamit. Nagsisilbi rin itong instrumento upang maiiwasan ang kabagutan sa loob ng klase.    
            Mga Mamamayan. Ang resulta ng pag-aaral ng ito ay nakakatulong sa kanilang kabatiran kung ano ang dulot ng alternatibong pagtuturo sa kaunlaran ng bawat mag-aaral.
            Mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa iba oang mananaliksik na gumawa ng iba pang pag-aaral sa mga paksang hindi pa gaanong napag-aaralan nang mapaunlad pa ang pag-aaral na gagawin sa paglinang ng angking propesyon.
Kabanata 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

            Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral na nakatutulong nang malaki sa ginawang pag-aaral dahil nagbibigay ito ng katotohanan upang mabuo ang pag-aaral na ito.
            Ayon kay Novak (1998), “Ang tradisyunal na pagtuturo ay yaong nakapokus sa guro bilang taga – kontrol sa kapaligiran ng mag-aaral. Ang kakayahan at responsibilidad ay nasa  guro at ginagampanan niya ang tungkulin bilang instruktor sa paggamit ng talakayan sa leksyon at nagsisilbing tagapagdesisyon sa laman ng kurikulum at mga posibleng kalalabasan nito ang pinag-uusapan. Tinatangkilik nila ang mag-aaral bilang “knowledge holes” na kailangang punan ng sapat na kaalaman at impormasyon. Sa katunayan, ang mga tradisyunal na guro ang siyang dahilan sa katagumpayan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Dito sila unang namulat sa kaalaman sapagkat ito ang unang ginamit ng mga guro na paraan sa pagtuturo.
            Ang pagkatuto ay kadalasang nauugnay sa silid-aralan at dito nakikita ang kompetisyon. Ang laman at ang pagpapahayag ng aralin ay isinasaalang-alang bilang mahalagang salik at mahahasa dito ang kakayahan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasanay. Ang laman ng aralin ay di na dapat alamin sa konteksto Theroux (2002), Johnson and Johnson (1991).
            Sa  madaling salita, ang pagkatuto ay nasa aralin at kalakaran ng guro sa kanyang pagtuturo. Dito nagsisilbing instruktor ang guro sapagkat sa kanyang talakayan, siya ang nagdadala at nagbibigay ng mga impormasyon sa mga mag-aaral. Ang ginamit ng mga guro sa ayos ng silid-aralan ay ang kumbensyunal na kung saan nakahanay lamang ang mga upuan.
            May dalawang mahahalagang sinabi si Theroux (2002) tungkol sa tradisyunal na pagtuturo:
            Una, ito ay pagtuturo sa maraming kurso at kinakailangan ito upang maunawaan ng maayos ang mga nilalaman na makatutulong sa mag-aaral. Ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ay ang paggamit ng simpleng modelo na ginawa ng guro.
            Pangalawa, ito ang pagtuturo na hindi maaring matugunan sa patuloy na paglago ng teknolohiya. Ang tradisyunal na pagtuturo ay hindi maaaring baguhin dahil ang kapalit na problema ay ang mataas na halaga ng mga bagong modelong kagamitan sa pagtuturo.
            Ngunit ayon kay  Aquino (1997), ang modernong pagtuturo at teknolohikal na pagbabago sa ika-21 na siglo ay nakapokus sa kompetisyon sa mga paaralan. Ang ginamit sa alternatibong pagtuturo ay isang pangunahing bahagi ng teknolohiya ng makabagong-likha at teknolohiya sa makabagong ideya na kinatawan ang resulta ng pagpapatupad sa modernong disenyo ng teknolohiya bilang susi sa pagkamit ng katagumpayan sa pagkatuto ng mag-aaral sa loob ng klase.
            Kaya sa kabila ng paglago ng teknolohiya sa kalagitnaan ng 19 na siglo, ang pagpasok nito sa sistema ng edukasyon ay nagiging huli. Sa nabanggit sa tiyak na kasaysayan ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon  Reiser, R.A., (1997) sa Elliot, S. et. al. (1996), sa mga taong 1980 at 1990 lumaganap ang kasaganahan ng teknolohiya. Huli na nang malaman na ang kompyuter ay may malaking papel na ginampanan sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Sa pamamagitan ng teknolohiya, tataas ang oportunidad ng pagtugon, napapalawak ang akademikong oras at nasasali ang mag-aaral sa lahat ng proyekto na may kani-kanilang disenyo kung saan ito ay isang sandigan para sa epektibong pagtuturo at epektibong pagkatuto Elliot, S. et. al. (1996).
             Sa katunayan,di lamang teknolohiya ang nagpapatakbo sa paaralan ngunit pati rin ang mga guro (Sheingold at Harvey) sa Elliot, S. et. al. (1996), ipinakita ang impresyon na may mga guro na hindi gumagamit ng teknolohiya sa kanilang pagtuturo at iba na gumagamit ng teknolohiya sa kanilang pagtuturo sa sekundarya ay pinababa nito ang kanilang kakayahan.
            Sa pag-aaral ni Ely; Elliot, S. et. al., (1996), pinatutunayan sa mga nasabing resulta sa itaas ng ilahad niya ang mga dahilan kung bakit di ginamit ng mga guro ang teknolohiya sa kabila ng pag-unlad nito: a.) takot; b.) mahinang software at walang oras para mapa-unlad; c.) naniniwalang ang tekolohiya ay di nakatutulong; d.) kulang sa mataas na panahon ng pagpaplano; e.) itinuturing na kakompetensiya ang teknolohiya; f.) kulang sa suporta ng administrasyon; g.) napapahaba ang oras at nangangailangan ng kakayahan; h.) iba-iba ang papel ng guro; i.) di tanggap ng lipunan. Nasasaad nito na kailangan bigyang aral ang guro at lipunan bilang iisa ang kahalagahan sa paggamit ng teknolohiya sa sistema ng edukasyon. Ang mga resulta na nailahad ay nagpapakita ng marami sa mga guro na ‘di gumagamit ng teknolohiya dahil sa sila ay takot sa teknolohiya mismo at di sang-ayon sa mga teoryang nasa likod ng mga bagong inobasyon. At ang takot na ito ay nag-ugat  sa pagiging walang kaalaman at kakulangan sa karanasan.
            Karagdagan pa ni Ely na karamihan sa mga guro ay walang pormal o impormal na pagmanipula gamit ang kamay na kasanayan sa programming at pangunahing edukasyon sa teknolohiya, maliban na lamang sa mga bagong nagtapos na kung saan sila mismo ay nagboluntaryong mag-aral sa teknolohiya para sa pampersonal na kaalaman. Karamihan din sa mga guro ay natatakot makasalamuha ng mga mag-aaral na may mas malawakan na kaalaman ukol sa teknolohiya- takot na mapahiya. Kailangan talaga ang kaalaman sa teknolohiya para matagumpayan ang pagtuturo gamit ang media sa loob ng klase.
            Ayon kina Abellera et. al. (1990), ang media bilang bahagi ng alternatibong pagtuturo ay isang komponent ng instruksyong panteknolohiya bilang daan ng komunikasyon na maaaring pang-edukasyon na pangangailangan at kahalagahan. Ito ay binubuo ng mga pangunahing kagamitan na panteknolohiya para malinang at mapadali ang proseso ng pagkatuto ng mag-aaral sa kinabibilangan ng hardware tulad ng telebisyon, DVD players, at iba pang panturong makinarya at software gaya ng naka -program na mga teksto, mga pelikula, at iba pa.
            Dagdag pa nina Hayden at Torkelson (1973) mula sa nakalimbag na aklat nina Abellera et. al. (1990), may apat na iminungkahing pamantayan para sa pagtuturo gamit ang muti media sa kanyang klase:
            Una, maging bukas sa inobasyon. Kung may problema sa kagamitan agad mag-isip ng alternatibo at maging bukas sa anumang suhestyon para matagumpayan ang pagkatuto ng mag-aaral.
            Ikalawa, epektibong paggamit ng media. Dapat batid ng bawat guro na ang epektibong paggamit ng media ay mabisang paraan para sa tiyak at angkop na pagpaplano, paghahasa at pagproseso ng pagkatuto. Ang kaibahan ng anyo ng mensahe at kaangkupan sa tiyak na media para sa tamang uri ng pagkatuto ay kinakailangang isaalang-alang sa pagpili ng media at epektibong paggamit nito sa pagtuturo ng paksa.
            Ikatlo, pagbuo ng kasunduan para sa tuloy-tuloy na pagtataya. Ang siyentipikong pamamaraan ay nakasalalay sa patuloy na pagtataya para sa epektibong hakbang ng pagkatuto. Ang mga try-outs na pagsasanay ay kailangan para malaman ng guro ang tiyak na feedback kung saan ang dapat linangin para lalong matuto ang kanyang mag-aaral.
            Ikaapat, panatilihin ang aspetong pangkatauhan ng bawat teknolohiyang pampagtuturo o pang edukasyon. Gamitin ang mga kagamitang panteknolohiya bilang isang komponent ng alternatibong pamamaraan at hindi bilang pag-alis ng pagkamakatao kundi, bilang kagamitang pagtuturo-pagkatuto sa pagitan ng guro at mag-aaral.
            Para mapagtagumpayan ang proseso ng pagkatuto ng mag-aaral, kailangan isaalang-alang ng gurong nagtuturo kung anong pamamaraan ang kanyang gagamitin na karapat-dapat sa kanila at para sa pambihirang tagumpay at mabisang pagkatuto ng mag-aaral.

Kabanata 3
METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik
            Ginamit sa pag-aaral ang “Experimental” dahil naihahambing kung alin sa dalawa ang mas epektibong gamitin sa pagtuturo ng Maikling Kwento sa Pooc National High School. Binigyang diin ang kaibahan ng pamamaraan sa paggamit ng nasabing paraan sa pagtuturo.

Kaligiran o Lokal ng Pananaliksik
            Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral sa Pooc National High School, Talisay City, Cebu na nasa Ikalawang Taon sa Mataas na Paaralan lamang.

Tagapagtugon ng Pananaliksik
            Ang mga tagapagtugon ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa Pooc National High School na nasa Ikalawang Taon sa Mataas na Paaralan. May 20 mag-aaral na tinuturuan gamit ang tradisyonal na pagtuturo at 20 ring mag-aaral para sa alternatibong pagtuturo na random na pinagpipili.

Instrumento ng Pananaliksik
            Ang ginamit sa pag-aaral na ito ay ang mga:
                                    Exam
·             Pre-test
·             Post-test

Paraan ng Paglilikom ng mga Datos
            Ginamit ng kasalukuyang mananaliksik sa pag-aaral na ito ang        mga sumusunod na paraan:
1.      Bago ginawa ang pag-aaral na ito ay humingi muna ng pahintulot ang mananaliksik mula sa Dekana ng Departamento ng Edukasyon para gumawa ng pag-susuri sa labas ng paaralan. Ang sagot sa liham na ito ang siyang batayan ng mananaliksik na gumawa rin ng liham para sa Paaralang Sekondarya ng Pooc National High School.
2.      Pinuntahan ng kasalukuyang pananaliksik ang opisina ng punong guro ng nasabing paaralan at humingi ng permiso na gawing tagapagtugon ang mag-aaral na nasa Ikalawang Taon.
3.      Itinala ng kasalukuyang mananaliksik ang mga katangian at natuklasang impormasyon mula sa ginawang pagtatalakay at pagtataya sa loob ng klase.
Treatment of Data
Ginagamit ang paires t test para makuha ang kaibahan ng nakuhang marka ng mga mag-aaral sa pre-test at post test batay sa tradisyunal na pagtuturo at alternatibong pagtuturo.

Formula: t = (X1-X2)-do
           (n1-1)S1²+(n2-1)S2²       1      1