Huwebes, Setyembre 29, 2011

Ang Buhay Ko....



Ang buhay ay ang importanteng bagay na natanggap ko. Ang buhay ang pinakamahalagang natatanging sa akin, na hindi ko maaaring ipagpalit sa kung anu-ano. Ang buhay ay isang biyaya aking natamo sa natatanging tagapaglikhang pinaniniwalaan ko.

Ang buhay ang dahilan bakit ako ay malalim kung mag-isip. Ang pagiging buhay ay nagbibigay-inspirasyon sa akin sa kung ano man ang aking gagawin.

Kahit ang buhay ko ay puno ng paghihirap at hindi iyon dahilan sa aking biglaang pagsuko, dahil alam kong darating ang araw na iko'y babangon sa 'king pinagbagsakan. At muling tatayo sa haharap ng kasayahan.

Ang buhay ng ko ay walang humpay na paglalakbay at paghahanap sa magandang tibok ng puso. Patuloy na maghahanap hanggang sa makita ang hinahanap.

Ang buhay ng tao ay sumasabay sa pag-ikot ng mundo.

Sinusunod ang puso......

upang hanapin ang kaligayahan at abutin ang mithiin ko sa buhay....

  Na Maging Matagumpay na Guro.....

Lunes, Setyembre 26, 2011

TULA...



SABIK

Buong buhay na hinintay
Huling saglit ng isang buhay
Sandaling mawawalan ng paningin
Hiningay mawawalan ng hangin.

Hindi man hinahangad ng sinuman
Subalit itoy sasapitin
Ano o kahit sino ka man
Hantungan na walang katapusan
Lugar na maliwanag…
Walang lumbay…
Puros kasiyahan.

Ito ang isang paraiso
Tanawin para sa ikalawang buhay ng tao
Hindi mo man naisin
Subalit higit na gugustuhin ko
Malayo lamang sa makasalanang paligid
Na ginagalawan ko
Akoy sabik na
Sa mas matahimik na mundo!

Miyerkules, Setyembre 21, 2011

TRADISYUNAL AT ALTERNATIBONG PAGTUTURO NG MAIKLING KWENTO SA IKALAWANG TAON NG POOC NATIONAL HIGH SCHOOL, TALISAY CITY, CEBU


KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO
INTRODUKSYON

Rasyonale ng Pag-aaral

            Ang mga mag-aaral sa panahon noon at ngayon ay may malaki na pagkakaiba. Bunga ito sa kaibahan ng mga dulog at estratehiyang ginagamit ng guro sa pagtuturo. Kadalasan, marami sa ating mga mag-aaral ay may kanya-kanyang pang-unawa sa bawat ipinapakitang dulog ng guro.
            Kung noong una, sagad tayo sa kaalaman ng teknolohiya, ngayon ay hindi na. Malaking tulong sa mga mag-aaral ang alternatibong pagtuturo sapagkat napapadali nito ang pangkaalaman at pang-unawa ng mga mag—aaral.
            Modernong pagtuturo at teknolohikal na pagbabago sa ika – 21 siglo ang pokus ng kumpetisyon sa mga paaralan ngayon, Hidalgo (2000). Ang modernong pagtuturo ay ganap na malaman ang mga pakinabang sa mga mag-aaral at guro. Mas pinalawak nito ang mga konsepto sapagkat mas nakikita ng mga mag-aaral ang nais ipahiwatig ng tiyak na paksa.
            Ngunit di rin maiiwasan na patuloy pa ring ginagamit ang tradisyunal na pagtuturo sapagkat ito ang ating kinagisnan at kinalakihan. Dito tayo unang natuto ng mga pangunahing konsepto patungo sa mga malalaking paksa at kaalaman. Tradisyonal man ang gamit sa pagtuturo ngunit may marami rin tayong natutunan at naintindihan.
            Ayon kay Novak (1998), ang tradisyunal na pagtuturo ay nakapukos sa guro bilang taga-konrol sa kapaligiran ng mga mag-aaral.” Sa ganitong pagtuturo, nasa guro ang responsibilidad at sa kanya ang paraan at mga estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sa kanyang mag-aaral.
            Sa ganitong uri ng pagtuturo, ang guro ang siyang tinaguriang controller sa silid-aralan. Dahil sa ganitong sitwasyon, hindi maiiwasan na ang tinatagong galing ng mag-aaral sa iba’t ibang kakayahan ay hindi mahahasa at malilinang. Nagkakaroon rin ng problema sa mga impormasyong inilalahad ng guro. Dahil kadalasan ay nakabatay sa mga sinaunang nakalimbag na aklat. Sa makatuwid ang nagaganap sa pagtuturong ito ay ang tinatawag nilang “spoon-feeding of knowledge”. Hindi napapalawak ng guro ang kanyang karaniwang paksa dahil sa nakabase lang siya sa tradisyunal na paraan.
            Ang alternatibong pagtuturo ay tinatawag ding makabagong pamamaraan sa pagtuturo sa paaralan. Sinasaklaw nito ang iba’t ibang dulog at stratehiya na ginagamit sa pagtuturo-pagkatuto sa mga mag-aaral. Ito ay nag-uugat mula sa iba’t ibang pilosopiya na nagtataglay ng pangunahing kaisipan na naiiba sa traditional na pamamaraan. Kadalasa’y nagkaroon ng mga kaisipang politikal, pilosopikal at akademikong kasanayan. Ito ay may malaking impluwensiya sa malawakang pagkatuto ng isang mag-aaral.
            Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa kakayahan ng mga mag-aaral na kung saan sila mas umaangat. Sa paggamit ba ng tradisyunal na pagtuturo o gamit ang alternatibong pagtuturo. Gamit ang maikling kwento na “Paalam sa Pagkabata”, na isinalin ni Nazareno D. Bas mula sa “Panamilit sa Kanantanon” ni Santiago Pepito, tutuklasin namin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa Pooc National High School.

Sanligang Teoretikal

            Lipas na ang panahon na ang gamit ng guro sa pagtuturo ay mga teksbuk. Ngayon ang simula ng mga gurong magtuturo gamit ng kaalaman ng mga mag-aaral sa daigdig na kanilang ginagalawan. Bilang guro, sila ay nahaharap sa panibagong dimensyon ng pagtuturo. Isang karaniwang kaalaman na ang guro ay dapat na isaisip ang kaibahan ng bawat mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay hindi na mababansagan bilang mabagal, mahina o mabilis matuto. Sila ngayon ang bagong hybrid mula sa makabagong daigdig na napatibay sa pamamagitan ng marami at iba't ibang kaparaanang pampagkatuto Laus (2002).
            Ang guro ayon kay Kornhaber (2004), na isinasakatuparan ang Mutiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner sa pagtuturo ay makatutulong sa mga mag-aaral na magpahalaga at magtamo ng mga kaparaanan para sa pagpapahayag sa kanilang saloobin, kuro-kuro at damdamin at higit sa lahat, pagkakaroon ng kasiyahan sa pag-aaral. Kaya nga sinabi ni Walter Mc Kenzie na “Sa sandaling simulan ang Multiple Intelligence sa pagtuturo, masisimulan ng guro na bumuo ng isang pangako na maging tapat sa kanyang sarili, maging bukas sa maraming posibilidad at maging mga instrumento ng pagbabago. Iminungkahi ni Dr. Gardner ang isang pluralistikong pananaw na kumikilala sa iba't ibang kakayahang kognitibo at magkakaibang istilo nito. Ang ganitong pananaw sa katalinuhan ay nagpapahayag na ang isang mag-aaral ay mayroong iba't ibang set ng katalinuhang maaaring magbunga ng matatalinong gawain. Nakikita ito sa paraan ng paglutas ng mga suliranin, at paglikha ng iba't ibang produkto sa iba't ibang sitwasyon at larangan ng buhay Tenedero (1998). Lubhang napakahalaga ng Multiple Inteligences sa paraan ng tradisyunal na pagtuturo sapagkat ito ang kasangkapan upang matulungan ang mga mag-aaral na damhin ang paksa, galugarin ang  kabuuan nito at ipakita ang kanilang mga nalalaman at nabuong kaalaman mula sa paksang pinag-aralan.
            Malaki ang epekto ng tradisyunal at alternatibong pagtuturo sa iba't ibang kakayahang tinatamo ng mag-aaral. Dito nasusubok ng guro kung saang estratehiya mas tataas ang lebel ng pag-unawa at pagkatuto ng mag-aaral. Dito nasusubok ang kalakasan ng dalawang estratehiyang kadalasang ginagamit ng guro. Sa pag-alam ng bawat kakayahan ng mag-aaral, naisaalang -alang ng guro kung anong dulog ang kanyang gagamitin.
            Ayon kay Vygotsky (1987) mula sa aklat nina Mayos, Norma S. et. al (2008) “Ang Guro sa Bagong Milenyo”, ang mga mag-aaral na handa sa mga hamon ng edukasyon ay lumalaking nagagamit ang kanyang mga kakayahan, handang tanggapin ng mga mag-aaral ang hamon kung sila ay nakaramdam ng paggalang at pagpapahalaga sa kanilang mga kakayahan.
            Sa paggamit ng tradiyunal at alternatibong pagtuturo, may matutuhan ang mga mag-aaral kapag mabigyang pansin at tuon ang kakayahang kanilang  taglay. Kapag nabigyang tuon ang kakayahan ng mag-aaral, matatamo ang ekspektasyon ng guro sa bawat mag-aaral. Makakamtan din ng buong klase ang ekspektasyon para sa araw na iyon at mapagtagumpayan ang pagkatuto ng mag-aaral.
            Sa pagpayo ni Villanueva (1968) mula sa inilimbag na aklat nina Mayos, Norma S. et. al (2008). “Ang Guro sa Bagong Milenyo”, sa mga guro ng Filipino, kailangang pag-iba-ibahin ng guro ang kanyang pamamaraan at estratehiya sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Dagdag pa sa lumabas na pag-aaral ni Cayogo (1982) mula sa aklat nina Mayos, Norma S. et. al (2008) “ Ang Guro sa Bagong Milenyo”, na ang paggamit ng iba't ibang pamamaraan   sa pagtuturo ay siyang kinagigiliwan ng mga mag-aaral. Ito ang paggamit ng alternatibong pagtuturo sa karaniwang paksa. Pinatunayan ito ng resulta ng pag-aaral ni Anosan (1998) na kinagigiliwan ng mga mag-aaral ang gurong gumagamit ng iba't ibang pamamaraan sa pagtuturo sapagkat nabubuhay nito ang kanilang atensyon at interes. Lalo na ang paggamit ng telebisyon at ibang teknolohiya sa loob ng klase dahil napupukaw ang interes ng mga mag-aaral at may mataas na lebel ng pagkatuto.
            Sa pagtuturo, higit na mahalaga para sa guro ang mapukaw niya ang atensyon at interes ng kanyang mag-aaral. Kailangan lamang niyang gamitin ang kanyang mabisang paraan sa pagpili ng angkop na estratehiya para sa kanyang mag-aaral.
            Gamit ng tradisyunal na pagtuturo, mas natuturuan ng guro ang kanyang mga mag-aaral sa tamang pag-uugali. Mas nananaig sa pagtuturong tradisyunal ang kahalagahan ng pag-uugali ng mag-aaral. Pagkat sa ganitong pagtuturo, mas napalawak ang komunikatibong kakayahan ng mag-aaral.
            Ayon sa teoryang National – Functional Syllabus ni David Wilkins Higas at Clifford (1992)  mula sa aklat ni Badayos (1999), upang matamo ang kakayahang komunikatibo, kailangang pantay na isinaalang-alang  ang pagtatalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian ng wikang ginamit ng teksto. Ito ay lalong nalilinang sa tradisyunal na pagtuturo.
            Ngunit sa teorya ni Jean Piaget na Constructivism Learning Theory, Kneller (1998) di  siya sumasang-ayon sa paraang tradisyunal. Nakita niya na bilang isang mag-aaral ay kailangang malinang ang kanilang kognitibong aspeto at ibigay ang ebidensyang ito mula sa alternatibong pagtuturo gamit ang siyensya at iba’t ibang panteknolohiyang kagamitan.
            Napapaloob sa makabagong siyensya ang mga kaalaman at karanasang di-mabibigay ng tradisyunal na pagtuturo. Mas nakakalamang ang alternatibong pagtuturo sapagkat ang nilalaman nito ay makatotohanan at ang mga mag-aaral ay mas nakakaugnay sa realidad na pangyayari. Di man sinabi na ang tradisyunal na pagtuturo ay di mahalaga, ngunit mas nananaig sa mga mag-aaral ang pagiging bukas sa kamalayan na bahagi na ng buhay ng mag-aaral ang alternatibong pagtuturo sa kanilang pagkatuto. Kumbaga sa aklat, ang tradisyunal na pamamaraan ang unang rebisyon samantalang ang alternatibong pamamaraan ang siyang pinakabagong rebisyon sa proseso ng pagkatuto ng mag-aaral.
            Bilang pangkalahatan, anumang paraan ang ginamit ng guro, ang mahalaga ay ang istilo ng pagkatuto ng mag-aaral na siyang tumutukoy sa kaparaanan na mas higit gusto ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Dahil sila ang nagkaroon ng pagkatuto sa anumang mabisang estratehiya na ginagamit ng guro Badayos (2008).

ANG SULIRANIN

Paglalahad ng Suliranin
            Ang pangunahing layunin sa pag-aaral na ito ay ang paghahambing gamit ng tradisyonal at alternatibong pagtuturo ng Maikling Kwento sa Pooc National High School.
            Tiniyak sa pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod:
1.      Ano ang nakuhang marka sa pre-test ng mga mag-aaral batay sa:
1.1  tradisyunal na pagtuturo;
1.2  alternatibong na pagtuturo?
2.      2. Ano ang nakuhang marka sa post test ng mga mag-aaral batay sa:
2.1  tradisyunal na pagtuturo;
2.2  alternatibong na pagtuturo?
3.      Ano ang mean gain na marka ng mga mag-aaral na nailantad sa:
3.1  tradisyunal na pagtuturo;
3.2  alternatibong pagtuturo?
4.      May kaibahan ba ang nakuhang marka ng mga mag-aaral sa pre-test at post test batay sa:
4.1  tradisyunal na pagtuturo;
4.2  alternatibong pagtuturo?
5.      May kaibahan ba ang mean gain na marka ng mga mag-aaral sa pagitan ng tradisyunal at alternatibong pagtuturo?

Ipotesis:
May kaibahan ang nakuhang marka ng mga mag-aaral sa pre-test at post test batay sa tradisyunal at alternatibong pagtuturo
May kaibahan ang mean gain na marka ng mga mag-aaral sa pagitan ng tradisyunal at alternatibong pagtuturo.

Kahalagahan ng Pag-aaral
            Makapagdudulot ng pakinabang at kahalagahan ang kalalabasan ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod:
            Mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang magkaroon sila ng kaalaman ukol sa kaibahan ng tradisyonal at alternatibong pagtuturo sa mga aralin.
            Mga Guro. Ang pananaliksik na ito ay hahamon sa mga guro na makita ang kahinaan at kalakasan ng mag-aaral sa tradisyonal at alternatibong pagtuturo. At para mabatid kung anong uri ng pagtuturo ang gagamitin.
            Mga Administrador. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong bilang batayan ng mga administrator ng mga paaralan kung anong uri ng pagtuturo ang magaganap sa bawat silid.
            DEPED. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nakapagpapabatid sa mga opisyales ng DepEd kung alin sa dalawang pamamaraan ang mas epektibong nagpapaunlad sa kakayahan at kasanayan ng bawat ma-aaral at para matugunan ang pangangailangan ng paaralan sa pagpapaangat ng kanilang mithiing pang-edukasyon.  
            Sentro ng Wikang Filipino. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nagsisilbing gabay upang malaman ang kahinaan ng mga mag-aaral sa bawat paraan ng pagtuturong ginamit. Nagsisilbi rin itong instrumento upang maiiwasan ang kabagutan sa loob ng klase.    
            Mga Mamamayan. Ang resulta ng pag-aaral ng ito ay nakakatulong sa kanilang kabatiran kung ano ang dulot ng alternatibong pagtuturo sa kaunlaran ng bawat mag-aaral.
            Mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa iba oang mananaliksik na gumawa ng iba pang pag-aaral sa mga paksang hindi pa gaanong napag-aaralan nang mapaunlad pa ang pag-aaral na gagawin sa paglinang ng angking propesyon.
Kabanata 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

            Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral na nakatutulong nang malaki sa ginawang pag-aaral dahil nagbibigay ito ng katotohanan upang mabuo ang pag-aaral na ito.
            Ayon kay Novak (1998), “Ang tradisyunal na pagtuturo ay yaong nakapokus sa guro bilang taga – kontrol sa kapaligiran ng mag-aaral. Ang kakayahan at responsibilidad ay nasa  guro at ginagampanan niya ang tungkulin bilang instruktor sa paggamit ng talakayan sa leksyon at nagsisilbing tagapagdesisyon sa laman ng kurikulum at mga posibleng kalalabasan nito ang pinag-uusapan. Tinatangkilik nila ang mag-aaral bilang “knowledge holes” na kailangang punan ng sapat na kaalaman at impormasyon. Sa katunayan, ang mga tradisyunal na guro ang siyang dahilan sa katagumpayan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Dito sila unang namulat sa kaalaman sapagkat ito ang unang ginamit ng mga guro na paraan sa pagtuturo.
            Ang pagkatuto ay kadalasang nauugnay sa silid-aralan at dito nakikita ang kompetisyon. Ang laman at ang pagpapahayag ng aralin ay isinasaalang-alang bilang mahalagang salik at mahahasa dito ang kakayahan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasanay. Ang laman ng aralin ay di na dapat alamin sa konteksto Theroux (2002), Johnson and Johnson (1991).
            Sa  madaling salita, ang pagkatuto ay nasa aralin at kalakaran ng guro sa kanyang pagtuturo. Dito nagsisilbing instruktor ang guro sapagkat sa kanyang talakayan, siya ang nagdadala at nagbibigay ng mga impormasyon sa mga mag-aaral. Ang ginamit ng mga guro sa ayos ng silid-aralan ay ang kumbensyunal na kung saan nakahanay lamang ang mga upuan.
            May dalawang mahahalagang sinabi si Theroux (2002) tungkol sa tradisyunal na pagtuturo:
            Una, ito ay pagtuturo sa maraming kurso at kinakailangan ito upang maunawaan ng maayos ang mga nilalaman na makatutulong sa mag-aaral. Ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ay ang paggamit ng simpleng modelo na ginawa ng guro.
            Pangalawa, ito ang pagtuturo na hindi maaring matugunan sa patuloy na paglago ng teknolohiya. Ang tradisyunal na pagtuturo ay hindi maaaring baguhin dahil ang kapalit na problema ay ang mataas na halaga ng mga bagong modelong kagamitan sa pagtuturo.
            Ngunit ayon kay  Aquino (1997), ang modernong pagtuturo at teknolohikal na pagbabago sa ika-21 na siglo ay nakapokus sa kompetisyon sa mga paaralan. Ang ginamit sa alternatibong pagtuturo ay isang pangunahing bahagi ng teknolohiya ng makabagong-likha at teknolohiya sa makabagong ideya na kinatawan ang resulta ng pagpapatupad sa modernong disenyo ng teknolohiya bilang susi sa pagkamit ng katagumpayan sa pagkatuto ng mag-aaral sa loob ng klase.
            Kaya sa kabila ng paglago ng teknolohiya sa kalagitnaan ng 19 na siglo, ang pagpasok nito sa sistema ng edukasyon ay nagiging huli. Sa nabanggit sa tiyak na kasaysayan ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon  Reiser, R.A., (1997) sa Elliot, S. et. al. (1996), sa mga taong 1980 at 1990 lumaganap ang kasaganahan ng teknolohiya. Huli na nang malaman na ang kompyuter ay may malaking papel na ginampanan sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Sa pamamagitan ng teknolohiya, tataas ang oportunidad ng pagtugon, napapalawak ang akademikong oras at nasasali ang mag-aaral sa lahat ng proyekto na may kani-kanilang disenyo kung saan ito ay isang sandigan para sa epektibong pagtuturo at epektibong pagkatuto Elliot, S. et. al. (1996).
             Sa katunayan,di lamang teknolohiya ang nagpapatakbo sa paaralan ngunit pati rin ang mga guro (Sheingold at Harvey) sa Elliot, S. et. al. (1996), ipinakita ang impresyon na may mga guro na hindi gumagamit ng teknolohiya sa kanilang pagtuturo at iba na gumagamit ng teknolohiya sa kanilang pagtuturo sa sekundarya ay pinababa nito ang kanilang kakayahan.
            Sa pag-aaral ni Ely; Elliot, S. et. al., (1996), pinatutunayan sa mga nasabing resulta sa itaas ng ilahad niya ang mga dahilan kung bakit di ginamit ng mga guro ang teknolohiya sa kabila ng pag-unlad nito: a.) takot; b.) mahinang software at walang oras para mapa-unlad; c.) naniniwalang ang tekolohiya ay di nakatutulong; d.) kulang sa mataas na panahon ng pagpaplano; e.) itinuturing na kakompetensiya ang teknolohiya; f.) kulang sa suporta ng administrasyon; g.) napapahaba ang oras at nangangailangan ng kakayahan; h.) iba-iba ang papel ng guro; i.) di tanggap ng lipunan. Nasasaad nito na kailangan bigyang aral ang guro at lipunan bilang iisa ang kahalagahan sa paggamit ng teknolohiya sa sistema ng edukasyon. Ang mga resulta na nailahad ay nagpapakita ng marami sa mga guro na ‘di gumagamit ng teknolohiya dahil sa sila ay takot sa teknolohiya mismo at di sang-ayon sa mga teoryang nasa likod ng mga bagong inobasyon. At ang takot na ito ay nag-ugat  sa pagiging walang kaalaman at kakulangan sa karanasan.
            Karagdagan pa ni Ely na karamihan sa mga guro ay walang pormal o impormal na pagmanipula gamit ang kamay na kasanayan sa programming at pangunahing edukasyon sa teknolohiya, maliban na lamang sa mga bagong nagtapos na kung saan sila mismo ay nagboluntaryong mag-aral sa teknolohiya para sa pampersonal na kaalaman. Karamihan din sa mga guro ay natatakot makasalamuha ng mga mag-aaral na may mas malawakan na kaalaman ukol sa teknolohiya- takot na mapahiya. Kailangan talaga ang kaalaman sa teknolohiya para matagumpayan ang pagtuturo gamit ang media sa loob ng klase.
            Ayon kina Abellera et. al. (1990), ang media bilang bahagi ng alternatibong pagtuturo ay isang komponent ng instruksyong panteknolohiya bilang daan ng komunikasyon na maaaring pang-edukasyon na pangangailangan at kahalagahan. Ito ay binubuo ng mga pangunahing kagamitan na panteknolohiya para malinang at mapadali ang proseso ng pagkatuto ng mag-aaral sa kinabibilangan ng hardware tulad ng telebisyon, DVD players, at iba pang panturong makinarya at software gaya ng naka -program na mga teksto, mga pelikula, at iba pa.
            Dagdag pa nina Hayden at Torkelson (1973) mula sa nakalimbag na aklat nina Abellera et. al. (1990), may apat na iminungkahing pamantayan para sa pagtuturo gamit ang muti media sa kanyang klase:
            Una, maging bukas sa inobasyon. Kung may problema sa kagamitan agad mag-isip ng alternatibo at maging bukas sa anumang suhestyon para matagumpayan ang pagkatuto ng mag-aaral.
            Ikalawa, epektibong paggamit ng media. Dapat batid ng bawat guro na ang epektibong paggamit ng media ay mabisang paraan para sa tiyak at angkop na pagpaplano, paghahasa at pagproseso ng pagkatuto. Ang kaibahan ng anyo ng mensahe at kaangkupan sa tiyak na media para sa tamang uri ng pagkatuto ay kinakailangang isaalang-alang sa pagpili ng media at epektibong paggamit nito sa pagtuturo ng paksa.
            Ikatlo, pagbuo ng kasunduan para sa tuloy-tuloy na pagtataya. Ang siyentipikong pamamaraan ay nakasalalay sa patuloy na pagtataya para sa epektibong hakbang ng pagkatuto. Ang mga try-outs na pagsasanay ay kailangan para malaman ng guro ang tiyak na feedback kung saan ang dapat linangin para lalong matuto ang kanyang mag-aaral.
            Ikaapat, panatilihin ang aspetong pangkatauhan ng bawat teknolohiyang pampagtuturo o pang edukasyon. Gamitin ang mga kagamitang panteknolohiya bilang isang komponent ng alternatibong pamamaraan at hindi bilang pag-alis ng pagkamakatao kundi, bilang kagamitang pagtuturo-pagkatuto sa pagitan ng guro at mag-aaral.
            Para mapagtagumpayan ang proseso ng pagkatuto ng mag-aaral, kailangan isaalang-alang ng gurong nagtuturo kung anong pamamaraan ang kanyang gagamitin na karapat-dapat sa kanila at para sa pambihirang tagumpay at mabisang pagkatuto ng mag-aaral.

Kabanata 3
METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik
            Ginamit sa pag-aaral ang “Experimental” dahil naihahambing kung alin sa dalawa ang mas epektibong gamitin sa pagtuturo ng Maikling Kwento sa Pooc National High School. Binigyang diin ang kaibahan ng pamamaraan sa paggamit ng nasabing paraan sa pagtuturo.

Kaligiran o Lokal ng Pananaliksik
            Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral sa Pooc National High School, Talisay City, Cebu na nasa Ikalawang Taon sa Mataas na Paaralan lamang.

Tagapagtugon ng Pananaliksik
            Ang mga tagapagtugon ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa Pooc National High School na nasa Ikalawang Taon sa Mataas na Paaralan. May 20 mag-aaral na tinuturuan gamit ang tradisyonal na pagtuturo at 20 ring mag-aaral para sa alternatibong pagtuturo na random na pinagpipili.

Instrumento ng Pananaliksik
            Ang ginamit sa pag-aaral na ito ay ang mga:
                                    Exam
·             Pre-test
·             Post-test

Paraan ng Paglilikom ng mga Datos
            Ginamit ng kasalukuyang mananaliksik sa pag-aaral na ito ang        mga sumusunod na paraan:
1.      Bago ginawa ang pag-aaral na ito ay humingi muna ng pahintulot ang mananaliksik mula sa Dekana ng Departamento ng Edukasyon para gumawa ng pag-susuri sa labas ng paaralan. Ang sagot sa liham na ito ang siyang batayan ng mananaliksik na gumawa rin ng liham para sa Paaralang Sekondarya ng Pooc National High School.
2.      Pinuntahan ng kasalukuyang pananaliksik ang opisina ng punong guro ng nasabing paaralan at humingi ng permiso na gawing tagapagtugon ang mag-aaral na nasa Ikalawang Taon.
3.      Itinala ng kasalukuyang mananaliksik ang mga katangian at natuklasang impormasyon mula sa ginawang pagtatalakay at pagtataya sa loob ng klase.
Treatment of Data
Ginagamit ang paires t test para makuha ang kaibahan ng nakuhang marka ng mga mag-aaral sa pre-test at post test batay sa tradisyunal na pagtuturo at alternatibong pagtuturo.

Formula: t = (X1-X2)-do
           (n1-1)S1²+(n2-1)S2²       1      1

Aking Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Panitikan


BANGHAY ARALIN
SA
FILIPINO III


  1. Layunin:

Sa pamamagitan ng mga pagsasanay, ang mga mag-aaral na may 80% sa ikatlong taon ay inaasahang:

A.     nakatutukoy ang tema ng maikling katha;
B.     nasusuri ang maikling kwento;
C.     natutukoy ang tema ng kwento;
D.     nakasusuri ang mga dahilan ng pagkilos o paggalaw ng tauhan at pangyayari sa kwento;
E.      naibibigay ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa kwento;
F.      nakalalahok sa talakayan na isinasaalang-alang ang prosesong kognitibo sa  
pagbabasa ng panitikan;
G.     naibabahagi ang sariling karanasan sa mga kaisipang ibinigay mula sa kwento; at
H.     nagagawa ang isang poster na nagpapakita at naglalarawan sa kaisipan na nais ipahayag ng may-akda sa kanyang kwento.


  1. Paksang Aralin
                       
                              Paksa: “Tata Selo” ni Rogelio Sikat
                              Sanggunian: Kudyapi, pahina 80-90
                                                    Paquito B. Badayos et. al.
                              Kagamitan: pahayagan, larawan
                  Pagpapahalagang Moral: Huwag maging mapang – api at dapat
                                                        ipaglaban ang  karapatan ng isang tao
                  Kasanayan: Pakikinig at pagsusuri ng kwentong “Tata Selo”

  1. Pamamaraan

1.      Pagganyak
                                                  Ang bawat isa ay bibigyan ng tig-iisang kopya ng isang balita sa
                                      pahayagan tungkol sa CARP na pagkakaloob ng lupa sa mga magsasaka.
           Mula sa nabasang balita ay papangkatin ang klase sa limang pangkat. Sila ay pupunta sa kanilang kapangkat at magkaroon ng  “brainstorming” mula sa nabasa. Dito mangyayari ang pagsasalaysay ng mga narinig / nasaksihan / naranasang pangyayari hinggil sa mga isyung sosyo-politikal sa ating bayan, ang relasyong magsasaka at may-ari ng lupa.

                    2. Paglalahad

                                                 Sa loob ng klase ay tatalakayin ang tama ng kwento at sa mga isyung
                                     sosyo-politikal sa nakapaloob sa akda.

                         3.  Pagbibigay ng Pangganyak na Tanong
                                    Mga gabay na tanong:
                                    1. Bakit ganun ang pamagat ng kwento?
                                    2. Interesado ba kayong malaman ang kwento?

4.      Pag-alis ng Sagabal

            Ipapangkat ang klase gaya ng kanilang dating pangkatan. Sila ay bibigyan ng papel na may salitang hahanapan ng kahulugan. Hahanapin ito mula sa ibinigay na word search.
            MGA SALITA:
            1. istaked
            2. kutod
            3. propitaryo
            4. nangungulintab
            5. tinungkod
            6. mangudngod
            7. kinadyot

                         5. Pagtatalakay

                                                 Pagkatapos ay pagtatalakay hinggil sa mga pangyayari sa kwento, mga di
                                     tuwirang pahayag na kaisipan at pagkilala ng mga tauhan sa kwento. Kilalanin at
                                     iuugnay sa sarili , sa mga tauhan ng akda.

                                    NOTE:
                                                Ang klase ay bibigyan ng takdang panahon para sa pag-uusap at
                                    pagtanggap sa katotohanan sa isang pagkakataon sa panig ng: naapi, nang-aapi,
                                    nakita ang mga pang-api ngunit walang ginawang kilos, tumulong sa naaapi, di
            mabigyang katarungan ang mga pang-aapi.
           
                        Tatalakayin ng guro ang mga sangkap ng isang maikling kwento. Dito napapaloob ang pagsusuri ng kwento. Inilalapat din ang mga bisang pampanitikan ng isang maikling kwento.

5.      Pagpapahalaga/ Pagpapalawak      

1.      Anu-anong mga kaisipan at pagpapahalaga ang nakita natin sa akda gaya ng:
                                                a. mahalaga sa isang tao ang dangal
                                                b. pilit na hahanapin ang katarungan

2.      Ano sa palagay niyo ang maaring susunod na mangyari?


  1. Ebalwasyon

Batay sa mga kaisipang inilalahad sa akda at ayon na rin  sa iyong pansarili, karanasan, sumulat ng talata tungkol sa alinman sa sumusunod na paksa. Pumili ng dalawang paksa.
1.      Di lahat ng nabibilanggo ay kriminal
2.      Ang ugnayanng magsasaka at may-ari ng lupa.
3.      Mga suliraning sosyo-politikal
4.      Mahalaga sa isang tao ang dangal.
 

  1. Takdang Aralin

Sa isang short bond paper, gumawa ng isang poster na napapaloob ang kaisipan o diwang nais ipahayag ng may-akda.

Gawing kawili-wili at maging malikhain sa pagguhit nito. Lagyan ng pagpapaliwanag ang iyong  nabuong kaisipan batay sa larawan na ipinakita.

Lunes, Setyembre 19, 2011

Ang aking paglalakbay...

         Ang aking paglalakbay ay puno ng mahiwaga at samut saring pangyayari na naging karanasan ko sa buhay. Ako'y naniniwala na ang buhay ay isang panalangin o pagdarasal ay isang uri ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Katulad nito’y isang tulay na nagdurugtong sa lupang ating tinitirhan at sa malayong kinaroroonan ng langit. Noon pa mang nilikha ng Diyos ang sangkatauhan ay isinasagawa na ang pananalangin upang maipahayag ng tao ang kanyang saloobin sa Maykapal. Hanggang sa kasalukuyan, ito’y patuloy nating isinasabuhay sa araw-araw mula sa pagmulat ng mga mata sa umaga hanggang sa muling humiga at matulog.
          Ang aking pakikibaka sa buhay ang nagbigay ng lakas ng loob para tuparin ang bawat pangarap ko sa buhay. Ang lahat ng ito ay itinuturing kong isang sugal sapagkat uito ay isang isang halimaw na may apat na mata, malikot na pag-iisip at walang permanenteng tahanan. Dito napapalooob ang pakikipagsapalaran sa bawat hamon at pagsubok sa buhay.
           Ang bawat gawain na napapaloob dito ay sagisag ng aking paghihirap at pagod na pinagdaanan ng aking bawat gawain. Nawa'y may matutuhan kayo sa bawat naipaskil ko sa pahinang ito.


          MARAMING SALAMAT.....

 

 

ANG PANITIKAN NG REHIYON 7



ISANG MODYUL SA PANITIKAN NG REHIYON 7

(REHIYON 7)


Mutya sa Kabukiran

   ni Rafael Gandioco







Paunang Pagsubok (pretest)
              I.        (Word Search)- Hanapin at bilugan ang rehiyon pito at ang mga lalawigan na  
bumubuo nito mula sa ibaba.

S
V
E
R
N
O
U
I
D
A
N
X
F
A
Z
D
N
E
N
I
L
K
H
O
B
N
O
I
N
U
A
L
O
A
E
E
C
A
N
I
E
T
U
B
E
C
C
M
R
E
I
L
G
S
O
R
S
O
G
O
N
E
J
S
W
A
H
K
O
R
E
A
I
E
U
B
N
T
G
A
Q
Z
A
N
M
B
O
A
L
E
Z
V
E
Y
L
U
B
N
J
I
O
C
E
S
L
O
A
N
O
E
D
N
O
A
T
R
P
O
I
R
O
T
N
M
D
L
S
N
E
S
H
A
C
Q
R
L
O
R
O
U
L
E
N
G
B
U
S
A
U
M
A
C
A
U
I
T
S
U
K
D
R
E
H
I
Y
O
N
P
I
T
O
E
M
J
O
B
J
E
J
R
S
E
T
Q
K
J
I
R
N
O
N
O
M
O
N
D
A
R
T
L
O
N
A
L
G
T
I
H
R
D
H
G
I
N
C
Z
Q
E
A
Z
V
I
A
O
Z
S
A
E
R
T
Y
O
P
M
N
O
F
H
K
L
R
T
Y
I
N
M
H
O
T
B
T
Y
E
R
A
D

            II.        Kumpletuhin ang tsart sa ibaba sa pamamagitan ng paghahanay ng mga salitang  nasa  loob ng kahon.

         SINULOG                           Peanut Kisses                          Hanging out Place
         Saging Festival                   Sinagbayan Peak                     Lechon
         Dried Mangoes                   Torta                                         Baye – Baye
         Sandugo Festival                Danggit                                    Buglasan Festival

Lalawigan
Festival
Pagkain
Lugar


BOHOL


(1)

(2)

(3)


CEBU


(4)


(5)



DUMAGUETE


(6)

(7)

(8)


SIQUIJOR


(9)

(10)










Mga Sagot sa Paunang Pagsubok
I.              Word Search
.


















N
















E






U
B
E
C






G
















R
















O
















S














I

O












Q



R










U





I





R
E
H
I
Y
O
N
P
I
T
O
E



B


J









N


O

O











T

H
R













A
O















L





















II.            Tsart

Lalawigan

Festival

Pagkain

Lugar/ Tanawin

BOHOL


Sandugo Festival

Peanut Kisses

Sinagbayan Peak


CEBU


SINULOG
Lechon
Danggit
Dried Mangoes


DUMAGUETE


Buglasan Festival

Baye – Baye

Hanging out Place


SIQUIJOR


Saging Festival

Torta


Mga Gawain sa Pagkatuto
      I.        (Pangkatang Pagsusuri) I
Panuto: Ipaliwanag ang kaisipang napapaloob sa mga sumusunod na saknong.

1.    “Matatag siyang saligan                 
  Nitong ating angkan.                                     
  Magsasaka’y pinasisigla                    
  Sa lambingan, ahay!”                                    

2.    “Siya’y hiyas sa paggawa,                         
 Itong mutya sa bukid,                                     
 Sa noon g magsasaka,                     
 Pinapahid niya ang pawis”.                          
                                                                           
3.    “Pagkat siya’y masikap                                  
At walang kapaguran,
Sa gabi man o sa araw,
May pinagkakaabalahan”.

4.    Naglalarawan sa kanyang mukaha
Ang ulirang Pilipina.
Sa kasipagan, siya’y huwaran,
Sa pag-ibig, siya’y isang diyosa.

5.    “At sa kubo’y inaawit niya
Ang kanyang kapalaran.
Itong butihing mutya:
Manoy, umuwi ka na.
Tayo nang magpahinga
Pagkat gabi na.”


    II.        Magbahagi ng sariling karanasan sa bawat kaisipan na nais ipinahiwatig ng bawat saknong.

   III.        Gumawa ng sariling halaw na tula na may apat hanggang limang saknong na naglalaman ng pagiging magandang modelo ng isang guro sa hinaharap.


Mga tanong na sasagutin:

  1. Dagdagan ang mga sumusunod na pahayag para makabuo ng panibagong kaisipan na naaayon sa nabasang tula.

  1. Maituturing ko ang sarili ko na Mutya sa Kabukiran dahil...
  2. Dapat na pamarisan ang imahe ng tula sapagkat...
  3. Bilang guro sa hinaharap, nararapat lang na maging...
  4. Ang pagiging mabuting modelo sa lahat ay...
  5. Maging responsableng indibidwal upang...

  1. Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong:

  1. Anu-ano ang mga kilos at gawi ng mga magsasaka?
  2. Ano ang magandang hiyas na tinataglay ng pagsasaka?
  3. Paano mo pahahalagahan ang ating kalikasan?
  4. Mahalaga ba ang pagsasaka sa ating lipunan?
  5. Paano mo pinahahalagahan ang mga magsasaka sa inyong lugar?







Panghuling Pagsubok
              I.        Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.    Ano ang sukat ng tulang Mutya sa Kabukiran .
a.    Wawaluhin                                       c. Lalabing-animin
b.    Lalabindalawahin                            d. Walang sukat
2.    Anong damdamin ang namayani sa tulang nabasa?
a.    kasiyahan                                         c. pagmamahal.
b.    kalungkutan                                     d. a at c
3.    Ang layunin ng tulang Mutya sa Kabukiran ni Rafael Gandioco ay _________.
a.    mapaglarawan                                 c. mapang-aliw
b.    mapagpanuto                                   d. mapang-uyam
4.    Anong pamamaraan ang ginamit ni Rafael Gandioco sa kanyang pagsusulat ng tula?
a.    Masigasig                                          c. Makatotohanan
b.    Makababalaghan                             d. Makalilibang
5.    Anong uri ng tayutay ang napapaloob sa ikalawang saknong?
a.    Pagtutulad                                        c. Pagmamalabis
b.    Pag-uuyam                                       d. Pagwawangis
6.    Ano ang nais ipahiwatig ng awtor sa kanyang naisulat na tula?
a.    Ang pagsasaka ay mahalaga sa buhay ng tao.
b.    Dapat na pahalagahan ang mga magsasaka sa kabukiran .
c.    Ang mga magsasaka ay dapat na pamarisan.
d.    Magsikap, maging responsableng nilalang at maging mabuting modelo.
            II.        7-10. (Pagpapakahulugan) Ibigay ang kahulugan ng mg sumusunod na salita.    
            Ilagay ang sagot sa kahon.


















7.     Hiyas 


9. mutya
 








           



                                                                                                           
















8.    huwaran                                                         10. saligaan




















           III.         (Pagpupuno). Punan ng tamang sagot anng mga saknong sa ibaba para 
                                     makumpleto ang buong tula ni Rafael Gandioco.


MUTYA SA KABUKIRAN
                                                            Ni Rafael Gandioco
                       
                                    Siya’y isang (1)_____ sa paggawa,
                                    Itong mutya sa bukid
                                    Sa noon g magsasaka,
                                    Pinapahid niya ang (2)______.

                                    Naglalarawan sa kanyang mukha
                                    Ang (3)_______ Pilipina.
                                    Sa kasipagan, siya’y huwaran,
                                    Sa (4)_______, siya’y isang diyosa.

                                    Pagkat siya’y (5)_______
                                    At walang kapaguran,
                                    Sa (6)_____ man o sa araw,
                                    May pinagkakaabalahan.

                                    Matatag siyang (7)______ 
Nitong ating  (8)________.
Magsasaka’y pinasisigla
Sa (9)______, ahay!

At sa kubo’y inaawit niya
Ang kanyang kapalaran,
Itong butihing (10)_______:
Manoy, uuwi ka na,
Tayo nang magpahinga
Sapagkat gabi na.